Ni: Bella Gamotea

Upang matiyak na susunod na sa batas-trapiko ang ilang pasaway na driver sa Metro Manila, partikular sa EDSA, gagamit ng mga placard ang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magbigay ng direktang paalala.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, ipatutupad ang bagong patakaran sa mga chokepoint at intersection sa Cubao, Ortigas, Pasay, Makati, C-5 at Marcos Highway na layuning ipaalala ang pagtalima sa batas-trapiko.

Aniya, magwawagayway ng malalaking placard, na nakasulat ang mga polisiya sa kalsada, ang mga traffic enforcer bago ito ilapit sa mga motorista na magsasawalang-bahala pa rin sa mga ikinabit na signages ng MMDA.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Isa sa mga halimbawa ng mga placard na iwawagayway ang, “Taxi private vehicle, no loading/unloading, use back door”.

Titiketan ang mga pasaway na driver sakaling hindi pa rin sila sumunod gayung nakapagtaas na ng placard ang mga traffic enforcer.

Sakaling maging epektibo, handa ang MMDA na ipatupad nang permanente ang nasabing patakaran.