Ni JIMI ESCALA

WALA pang pormal na pag-amin pero naniniwala ang spy namin na malapit kina Coco Martin at Julia Montes na may itinatagong relasyon ang dalawa. Nauunawaan ng mga nakakaalam sa totoong estado ng relasyon nina Coco at Julia dalawa kung bakit hindi sila umaamin.

Julia copy

Si Julia pa rin at walang ibang dalagang pinakamalapit kay Coco, kaya bulong ng spy namin, tuwang-tuwa ang aktor habang paulit-ulit na pinapanood ang birthday message sa kanya ng magandang aktres.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Hi Co, happy happy birthday! Enjoy your special day, siyempre, and I wish you all the best, and good health dahil napaka-busy mo. Saludo kaming lahat na mga nakatrabaho mo kasi napakabuti mong tao at napakadali mong katrabaho,” bahagi ng mensahe ni Julia kay Coco na nakasama niya sa Walang Hanggan at na pinagsimulan ng pagkakahulog ng loob at “sweetness” sa isa’t isa.

Masayang-masaya ang aktres sa achievements ni Coco lalung-lalo na sa kaliwa’t kanang awards and recognitions sa aktor. Dalangin at hangad din ni Julia na ipagkaloob ng Diyos ang lahat ng mga kahilingan ni Coco sa personal at maging sa showbiz career.

“I’m so happy and very proud of you sa lahat ng mga achievements na natanggap mo and of course sa lahat ng dreams mo na unti-unti mo nang natutupad.

“I know God will guide you and protect you and He will give you more knowledge kasi pinapahalagahan mo at hindi ka nakakalimot sa Kanya. Iniingatan mo at ‘sini-share mo sa mga nakakasama mo – at saksi ako doon – ang talent na mayroon ka at ibinigay ni God sa ‘yo.

“Sana lahat ng dini-desire ng heart mo, lahat ng ‘pinagpi-pray mo, sana i-guide ka ni God, sana i-grant ‘yun ni God for you. Happy, happy birthday,” mensahe pa ni Julia.

Sabi pa ng source namin na malapit kina Julia at Coco, kahit bihirang magkita sa dami ng trabaho, malamang na magkasamang ipinagdiwang ng dalawa ang kaarawan ng aktor.