Ni: Nora Calderon

SA Sunday, November 5, ang alis nina Alden Richards, Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez papuntang Thailand para sa GMA Worldwide TV event doon sa November 5–8, 2017.  

My Husband's Lover copy

Ipapalabas kasi ng isang TV network doon ang dalawang GMA teleseryeng One True Love at My Husband’s Lover, kaya inimbitahan ang mga artistang gumanap sa dalawang serye.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang One True Love ay first team-up nina Alden Richards at Louise delos Reyes na ipinalabas noong June 2012 sa direksiyon ni Andoy Ranay. Dapat ay eight weeks lang itong ipapalabas noon, pero naging top-rater kaya two times silang na-extend. Umere sila ng 16 weeks, at natapos ng September 2012.

Nagustuhan ang teleserye ng mga taga-Thailand. Kaya ngayong may event doon ang GMA Worlwide TV, inimbitahan nila si Alden para i-promote ang napakagandang love story nina Tisoy (Alden) at Elise (Louise).

Ang My Husband’s Lover naman ay ipinalabas dito sa Pilipinas noong 2013, tampok sina Carla at Tom bilang mag-asawa, pero may lover si Tom, si Dennis. Nagustuhan ng televiewers ang gay-themed series at ilang beses ding na-extend kaya hanggang ngayon ay hinihingan ang GMA-7 na gawan ito ng part two.

Habang nandoon sa Taiwan sina Alden, Carla, Tom at Dennis, ipapalabas ang well-loved teleseryes ng GMA 7.