NI: Gilbert Espeña

HINDI sa Pilipinas unang magdedepensa ng kanyang titulo si IBF flyweight champion Donnie Nietes kundi sa Macao, China sa Enero 16 laban sa kanyang mandatory contender na si dating WBA 112-pound titlist Juan Carlos Reveco ng Argentina.

Tinalo ni Reveco si Thai Komgrich Nantapech sa 12-round unanimous decision nitong Setyembre 8, 2017 sa General Alvear, Argentina para mapuwersa ang laban kay Nietes.

Natamo ni Nietes ang bakanteng IBF title noong nakataang Abril 29 sa Cebu City nang talunin rin sa puntos si Nantapech.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Unang itinakda ang depensa ni Nietes bago matapos ang taon kay Reveco sa Cebu City ngunit hiniling ng kampo ng Argentinian na sa neutral country gawin ang sagupaan.

May rekord si Nietes na 40-1-4 na may 22 panalo sa knockouts samantalang si Reveco ay may kartadang 39-3-0 na may 19 pagwawagi sa kncokouts.