Ni Leslie Ann G. Aquino, May ulat ni Aaron B. Recuenco

Hinimok ng isang obispo sa Mindanao ang mga mananampalataya na isama sa kanilang pananalangin ngayong Undas ang mga nasawi sa limang-buwang Marawi siege.

Hiniling ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa publiko na ipanalangin ang mga sundalong nasawi sa bakbakan, silang mga nagbuwis ng buhay upang maibalik ang kapayapaan sa bansa.

“Pray for all who died in Marawi, especially our gallant soldiers who gave their lives so that we can live in peace, the civilians and hostages who lost their lives in the process,” sinabi ni Dela Peña sa isang panayam.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ayon sa obispo, kailangang i-“ritualize” ang ating paggunita sa mga yumao ngayong Undas dahil napakarahirap nito para sa mga naulila na walang puntod na maaaring madalaw o maalayan ng kandila, bulaklak at dasal.

“Perhaps other dioceses and local churches can join in praying for all who died in Marawi,” sabi ni Dela Peña.

Ito rin ang naging panawagan ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Public Affairs Committee, sa mga mananampalataya.

“I encourage the people to pray not only for their dead relatives and friends but to pray also for those who perished in the war on drugs and Marawi,” ani Secillano. “Pray that the Lord may give them eternal peace away from the violent and destructive ways of the world.”

Samantala, isinailalim ng pulisya sa pinakamataas na alert status ang buong bansa upang matiyak ang seguridad at payapang paggunita sa Undas.

“We have declared full alert status in all regions. So all of them are in full alert, on duty to conduct checkpoints in the cemetery,” sabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa.

Muling sinabi ni dela Rosa na walang na-monitor ang PNP na anumang bansa ngayong Undas at sa ASEAN Summit sa susunod na buwan, pero mahalaga, aniya, na maging laging alerto ang publiko.