Ni: Gilbert Espeña

Natalo si Pinay boxer Gretchen Abaniel sa kontrobersiyal na 10-round unanimous decision sa kampeong si Chinese Zong Ju Cai sa IBF female strawweight fight nitong Sabado sa Macau East Asian Games Dome sa Macau, China.

Natalo man, hawak pa rin ni Abaniel ang Global Boxing Union at Women’s International Boxing Association minimumweight titles.

Napaganda ni Cai ang kanyang rekord sa 10 panalo, isang talo na may isang pagwawagi lamang sa knockout sa mga labang pawang ginanap sa China.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I’ll rest first. I don’t yet have a plan after this because I’m still sad,” pahayag ni Abaniel sa kanyang FB account.

Tangan niya ang kartang 18-9-0 na may anim pagwawagi sa knockouts.