Ni REGGEE BONOAN

NABANGGIT ni Angel Locsin sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda na hindi siya makapapayag na magpa-bully dahil talagang lalabanan niya.

Nag-ugat ang mga sinabing ito ni Angel sa pangba-bash sa kanya ng nagpapanggap na KathNiel supporters simula nang sa bumalik siya sa La Luna Sangre.

Angel Locsin
Angel Locsin
Hindi kasi matanggap ng KathNiel supporters (daw) na natatabunan ni Jacintha Magsaysay (Angel) sina Tristan Torralba (Daniel Padilla) at Toni/Malia (Kathryn Bernardo) sa sariling teleserye ng mga ito na umeere ngayon sa ABS-CBN.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

May nabasa pa kaming sinabi kay Angel ng KathNiel fans (daw) na, ‘matuto ka ng dapat mong kalagyan’ na sinagot talaga ng aktres.

Kaya sa TWBA nitong Biyernes, diretsong sinabi ni Angel kay Kuya Boy Abunda na, “Marunong po akong tumiklop, pero hindi po ako magpapa-bully. ‘Pag nararamdaman kong bullying na, hindi! Lalo na kung bata na nakikipag-usap sa ‘yo, hindi ko ito-tolerate ang bullying. Pero ‘pag opinyon lang naman o gusto mong makatulong o lalaitin mo ang acting ko ganyan, papakinggan kita.

“Pero dahil lang sa pumasok ako sa isang show na ginagawa ko lang ang trabaho ko ‘tapos hindi nga bashing, eh, ibu-bully mo ako, ibang usapan na ‘yun.”

“In fairness to KathNiel,” sabi ni Kuya Boy, “I know ay ipinagtanggol ka nila.”

“Nakakatuwa nga po Tito Boy kasi hindi namin napag-uusapan talaga at nag-text ako sa kanila, pinasalamatan ko sila, si Kath, si DJ, si ‘Chard (Richard Gutierrez) na sinasabi nga ‘yun.

“Sana gamitin natin ang social media sa maayos na paraan hindi porke’t binigyan tayo ng freedom of speech, eh, meron na tayong freedom para maging bastos!”

Nakangiti si Angel sa mga pahayag niya sa national television pero ramdam na may diin ang pagkakabigkas niya laban sa bashers.

Samantala, ang ganda ng ngiti ni Angel nang itanong ni Kuya Boy kung sino si Neil Arce sa buhay niya.

“Isa po siya sa source of happiness ko ngayon, matagal kaming magkaibigan, siguro mga walong taon na rin po. Hindi rin namin alam kung paano nagsimula ang lahat, pero we’re happy at nangyari na lang siya. Nagpapasalamat ako na naging ganito ang relationship namin,” masayang pahayag ng aktres.

Nagtanong si Kuya Boy kung nasorpresa ba si Angel nang sabihan siya ng I love you ni Neil.

“Alam mo, Tito ‘yung parang nararamdaman mo pero ayaw mong mag-assume kasi you’re friends, parang ganu’n, super close friends. Confidant ganyan, ‘tapos nu’ng sinabi niya ‘yun, alam mo ‘yung pakiramdam na ini-expect mo na ‘heto na ‘to’, ganu’n ang pakiramdam.

“Alam kasi namin na hindi dapat basta pinapasok kasi ayaw naming masira ‘yung friendship, so iyon ‘yung usapan namin na parang kung anuman ang mangyari dito sa napaka-exciting na journey natin, basta hindi tayo puwedeng mag-away,” kuwento ng aktres.

Boto ba ang kanyang Daddy Angelo Locsin kay Neil?

“Okay naman sila at saka si Neil marespetong tao naman. Ako kasi ‘pag hindi ka gusto ng pamilya ko, sorry talaga kahit mahal na mahal kita at gustung-gusto kita. ‘Pag pamilya ko nagsalita against you, doon ako sa pamilya ko talaga.”

Nang humarap si Angel sa salamin ay ipinalarawan ng TWBA host kung sino ang babaeng kanyang nakikita.

“Isang masayahing tao, isang very passionate and sensitive at mabilis mapikon sa totoo lang ha-ha-ha, hindi ko (itatanggi ‘yon) and very loyal. ‘Pag minahal kita, Tito Boy, mahal kita for life at ipagtatanggol kita kahit saan, ganu’n akong klaseng tao,” say ng dalaga.

Anong pangalan naman ang nakasulat sa puso ni Angel?

“Patay! Si Neil po, Tito Boy. Napag-usapan naman natin kanina, delikado itong mirror na ‘to,” natawang sabi ng aktres.

Samantala, kaarawan ni Kuya Boy kahapon at ang birthday wish niya ay mabuting kalusugan para sa kanyang mahal na ina, at sa lahat ng mahal sa buhay, kaanak, at mga kaibigan.