ROME (AFP) – Hinatulan ng 24 na taong pagkakakulong ang isang lalaki na HIV-positive sa panghahawa ng 30 babae na kanyang nakatalik sa loob ng halos 10 taon.

Gamit ang pseudonym “Hearty Style”, inakit ng 33-year-old accountant Valentino Talluto ang ilang dosenang babae sa social networks at internet dating sites.

Hiniling ng Rome prosecutors na ikulong si Talluto habambuhay ngunit makalipas ang 12 oras ng deliberasyon, nagdesisyon ang korte na dapat itong makulong 24 na taon makaraang malaman na hindi siya naging sanhi ng epidemya sa panghahawa ng pathogen, na sa bata ng Italy ay katumbas ng panghabambuhay na pagkakakulong.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo