Ni Marivic Awitan

KUMPARA sa nakaraang overtime na kabiguan nila sa kamay ng defending champion National University, nagpakita ngayon ng mas matinding composure ang University of the East para maungusan ang Far Eastern University 63-61, sa overtime kahapon sa second round ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa MOA Arena.

Nagtala si Love Sto. Domingo ng 26 puntos at 23 rebounds habang tumapos ding may double double 11 puntos at 10 rebounds si Eunique Chan upang pamunuan ang panalo ng Lady Warriors.

Dahil sa panalo, sumalo ang UE sa University of Santo Tomas sa 2nd spot ng team standings hawak ang 9-2 panalo -talong rekord.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“Sa lahat ng games namin ito yung pinaka-worst na ginawa namin. Dami naming turnovers. Dami namin binigay sa (FEU). Yung depensa namin sobrang sabog. So we are blessed kasi nanalo kami,” ayon kay UE coach Aileen Lebornio.

Buhat sa 37-43 pagkakaiwan sa bungad ng fourth period, nakadikit ang Lady Warriors, 44-45 sa pamumuno ni Stop. Domingo may 2:37 pang nalalabi sa oras.

Mula doon, naging dikdikan ang laban hanggang maipuwersa ng Lady Tams ang laro sa overtime sa pamamagitan ng under goal stab ni Alyssa Gayacao, dalawang segundo bago matapos ang regulation.

Nagpatuloy ang dikdikang laro sa overtime ngunit napangatawanan ng UE na mapangalagaan ang n as italang 1-point margin bago sinelyuhan ni Stop. Domingo ang panalo sa nalalabing 5 segundo ng extension mula sa free-throw line. .

“Si Sto. Domingo siya yung talagang kinausap ko nung halftime kanina. Sabi ko LJ kailangan may lider sa loob. Kailangan may mag-boost ng morale sa mga teammate mo kasi walang walang nagigising sa kanila. Sobrang thankful ako kay LJ talaga. Binuhat niya kami ngayon,” ayon pa kay Lebornio.

Bunga ng kabuuang, bumaba ang Lady Tams sa barahang 5-6, panalo -talo.