Ni: Rommel P. Tabbad

Ipinag-utos ng Commission on Audit (CoA) kay Bohol Governor Edgardo Chatto at sa lima pang opisyal na ibalik sa National Treasury ang P2.43 milyon na ipinambili ng mga personalized calendar noong 2011.

Ayon sa CoA, nagkaroon ng anomalya sa pagbili ng mga kalendaryo matapos gamitin ang imahe ng mga naturang opisyal sa mga personalized calendar.

Sinabi pa ng CoA na paglabag ito sa memorandum circular No. 308-97 ng Department of Interior and Local Government (DILG), na humihikayat sa mga gobernador na “huwag ibalandra ang kanilang mukha sa kalendaryo at sa halip ay gamitin na lamang ang imahe ng mga proyektong natapos na nila sa kani-kanilang probinsiya.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20