Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Inilunsad ng Police Regional Office (PRO)-4A ang Petron Lakbay-Ligtas upang magkaroon ng police visibility na aayuda sa magsisiuwiang motorista at commuters ngayong Undas.

Pinangunahan ni PRO-4A Deputy Regional Director for Administration Chief Supt. Israel Ephraim Dickson, kasama ang kinatawan ng Petron at pamahalaang lungsod, ang ribbon-cutting ceremony sa Petron Kumintang nitong Huwebes.

Nasa 47 gasolinahan ng Petron ang nakiisa at naglagay ng mga police booth sa buong Calabarzon region, at inaasahang susunod na ang iba pa sa buong bansa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Magtatalaga ng dalawang pulis sa bawat police desk na magdu-duty ng dalawang oras kada araw.