Ni NITZ MIRALLES

SA November 11, sa Queenstown, New Zealand gaganapin ang kasal nina Erwan Heussaff at Anne Curtis. Kapag isa-isa nang nag-alisan ang barkada ng engaged couple, alam na kung saan sila pupunta.

ERWAN AT ANNE copy

Ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith, umalis na, hindi lang sinabi kung diretso na siya sa New Zealand.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inaabangan ang balita kung sino ang gumawa ng wedding gown ni Anne at kung ano ang motif ng kasal nila ni Erwan.

Malaking factor sa Pinoy fans kung sino ang gumagawa ng wedding gown ng mga ikinakasal na celebrity at hindi naiiba ang interes ng fans sa wedding gown ni Anne.

Ang susunod na aabangan ay ang entourage sa Heussaff-Curtis-Smith wedding at kung sino sa mga kasama ni Anne sa It’s Showtime ang dadalo sa kasal sa New Zealand.