Ni ADOR SALUTA

BUMIYAHE na last Wednesday papuntang Tokyo, Japan ang ating 2017 Binibining Pilipinas–International Mariel de Leon, para makipagsapalaran sa Miss International competition at grand coronation of the said pageant sa nasabing bansa ngayong Nobyembre 14.

COCO copy copy

Bago umalis ang bet ng bansa for the prestigious crown, tinapos na ni Mariel ang mahahalagang eksena sa pelikulang Ang Panday na pambato nila ni Coco Martin sa MMFF 2017. Lubos ang kanyang pasasalamat sa kanyang leading man sa pagbibigay sa kanya ng big break sa showbiz.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Matatandaang personal na pinili ni Coco si Mariel para maging leading lady sa Ang Panday na prinodyus at idinirehe ng aktor. Nitong nakaraang Miyerkules, natapos ang shooting nila.

Ang caption sa Instagram post ni Mariel na magkasama sila at naka-tag din si Coco, “Thank you so much @mr.cocomartin for this huge opportunity! Thank you for believing in me and for always being so kind. I used to say I didn’t want to act (because I was intimidated by it) but after working with you and the Ang Panday family, you pushed me out of my comfort zone and helped me discover a new interest. You really are hard working and down to earth. Sana makatrabaho kita ulit! I’ll never forget this experience. Thank you!”