NI: Mary Ann Santiago

Nagawa pang bigkasin ng isang lalaki ang pangalan ng sumaksak sa kanya bago siya tuluyang binawian ng buhay sa harapan ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, nitong Lunes ng gabi.

“Beng, Beng, sinaksak ako ni Michael!”. Ito ang mga huling katagang namutawi sa mga labi ni Erwin Dayday, 42, walang trabaho, at residente ng Happy Land, Tondo, bago tuluyang binawian ng buhay sa kandungan ng kinakasama niyang si Me-Ann Tejero, 19, sales lady.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na si Michael, na kapitbahay ni Dayday.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Batay sa ulat ni SPO2 Lester Evangelista, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 7:00 ng gabi nang mangyari ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima sa Building 8 ng Happy Land.

Nauna rito, naglalakad pauwi si Tejero nang marinig niya ang boses ng live-in partner na sumisigaw ng, “Beng, Beng, sinaksak ako ni Michael!”

Humahangos na nilapitan at kinalong ni Tejero ang biktima nang makitang may tama na ito ng saksak sa kanang bahagi ng dibdib.