Ni JERRY OLEA

PETMALU ang press preview ng Under The Stars (Bench Denim & Underwear Show) nitong Lunes (Oktubre 23) sa Ibiza Beach Club, BGC, Taguig City.

'MILLENNIAL BABES' copy

Paseksihan ang millennial babes na sina Maxine Medina, Kim Domingo, Sanya Lopez, Bianca King at Beauty Gonzales.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Queen of Bench Bodies ang peg ni Maxine na siyang nasa gitna nang sabay-sabay silang rumampa.

Yum-yum-yum ang pa-abs ng mga lodi na sina Albie Casiño, Addy Raj, Bruno Gabriel (anak ni Lani Lobangco, ang buong pangalan ay Bruno Gabriel Santos), David Licauco, Mark Mugen, Kiko Estrada at Marco Gumabao.

Tsalap-tsalap ang mga pandesal nila sa dibdib!

Kasama sila sa 70 stars from 3 TV networks (Kapamilya, Kapatid at Kapuso) na rarampa sa Under The Stars, sa Nobyembre 18 sa SM MoA Arena.

Kumpirmado ring rarampa roon ang international models na sina Ivo Buchta, Trevor Signorino at Pietro Boselli (tinaguriang Hottest Math Teacher).

Inaasahan din ang pagrampa roon nina Lovi Poe at Dominic Roque, na nag-judge sa go-see last month sa Bench Tower.

Ang palabas ay ididirek ni Robby Carmona, na siya ring nagdirek ng patikim ng Under The Stars.