Ni NORA CALDERON

TULAD ng pangako ni Dingdong Dantes sa kanyang mag-inang sina Marian Rivera at Zia, nagkaroon sila ng masaya at relaxing weekend sa The Farm, San Benito, Lipa, Batangas – at ipinost ito. Ang caption niya sa post, “A much needed weekend getaway with my girls.“

ZIA MARIAN AT DINGDONG copy

May post din siya ng mala-beauty queen pose ni Zia na tinawag niyang ‘Our Little Miss Philippines.’

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kahit gaano pa ka-busy si Dingdong sa trabaho, hindi niya kinalilimutang maglaan ng oras para sa kanyang mag-ina.

Natatandaan namin na baby pa lamang si Zia, dinala na nilang mag-asawa ito sa The Farm at ngayong malapit nang mag-two years old, sa November 23, ay ibinalik ito roon.

Alam daw niyang kailangan din iyon ni Marian na very busy na rin sa Super Ma’am at siya naman sa kanyang Alyas Robin Hood 2 na lalong tumitindi na ang action scenes na ginagawa nila.

“Pero ang isang dapat ninyong abangan sa aming action serye ay kung paano makukuha ni Pepe ang kanyang inang si Judy (Jaclyn Jose) na ngayon ay ipinakilala ni Emilio (Edu Manzano) bilang si Victorina Deogracia y Villadolid,” sabi ni Dingdong. “Alam na kaya ni Emilio na bumalik na ang alaala ni Judy at pinipigilan lamang ang sarili para hindi mabuko ang kanyang balak din na paghihiganti sa kinikilala ng marami na asawa niya?”

May requests ang netizens na sumusubaybay sa Super Ma’am at sa Alyas Robin Hood 2 kung puwedeng mag-crossover ang kani-kaniyang character sa kanilang action-drama series. Mukhang binibigyan ito ng konsiderasyon ng kani-kanilang writers at mga director nilang sina Dominic Zapata at LA Madridejos.

Napapanood ang Super Ma’am pagkatapos ng 24 Oras at kasunod naman ang Alyas Robin Hood 2.