MACAU – Naitala ni Pinoy golfer Angelo Que ang two-under 69 para tumapos sa sosyong ikalawang puesto sa Asian Tour’s Macao Open nitong Linggo.

Nagawang ma-birdie ni Que, tatlong ulit nang naging kampeon sa Asian Tour, ang dalawang par-5 para sa kabuang iskor na 10-under 274 at makasosyo ni India’s Ajeetesh Sandhu, pumalo ng final round 70.

Angelo Que
Angelo Que
Naibulsa nina Que at Sandhu ang premyong US$43,250 each (around P2.2 million), para sa tatlong stroke na kakulangan sa naging kampeon na si Gaganjeet Bhullar ng India.

Kumasa si Bhullar ng closing 68, tampok ang pitong birdies para sa kabuuang iskor na 271 at premyong US$90,000.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Nagkasya naman si Miguel Tabuena , tumipa ng 70, tampok ang tatlong bogeys sa Macau Golf and Country Club. Kasosyo ang Filipino Olympian sa ikapito na may four-under 280 at premyong US$13,250 (P680,000).