Nag-alay at nagpaabot si Pope Leo XIV ng panalangin para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng malagim na magnitude 7.8 lindol sa Sarangani at mga karatig-lalawigan nito noong Lunes, Hunyo 8.
Sa isang X post na ibinahagi ng Santo Papa noong Linggo, Hunyo 14, ipinagdasal niya ang mga nasawi at nasugatan sa naturang pagyanig.
“I assure my closeness to the people of the Philippines, struck a few days ago by a powerful earthquake,” saad ni Pope Leo XIV.
“I pray for the deceased and their families, for the wounded, and for all those suffering because of this disaster,” dagdag pa niya.
Batay sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes, Hunyo 15, pumalo na sa 65 ang naitalang nasawi sa lindol, habang 1,447 ang sugatan at 36 naman ang nawawala.
Nakapagtala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 6,058 aftershocks, isang linggo matapos ang kagimbal-gimbal na pagyanig sa Mindanao.
MAKI-BALITA: Death toll ng Mindanao earthquake, sumampa na sa 65!-Balita
Photo courtesy: Pope Leo XIV/FB, MB