MAINE
MAINE

Ni NORA CALDERON

BATA pa pala ay mahilig nang manood ng concert si Maine Mendoza, na isa sa mga nanood sa second night ng R3.0 concert ni Regine Velasquez-Alcasid.

Napanood namin sa kanyang Instagram story na ipinost habang nanonood ng concert sa Mall of Asia Arena. Dinig ang kanyang ‘Oh, my God’ comment habang pinapanood ang pagkanta nina Regine, her son Nate at ang mga co-stars ni Regine noon sa Do-Re-Mi na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nag-update din agad si Maine sa kanyang Instagram ng: “If I am not mistaken, the first concert I went to was Ms. Regine’s. I was I think around 10 years old when my parents took us to a concert. My family were seated on the general admission area and I can still remember how amused we were even if we were super far from the stage, kahit na ga-bigas sa liit si Ate Reg! But tonight, I was fortunate enough to watch the Asia’s Songbird live again – and this time up close! It was such a wonderful show and I cannot thoroughly express how amazed and touched I was during the concert.  GRABE! Bawat kanta, kahit na ‘yung mga hindi ko alam, tagos ‘gang puso.  Thank you Ms. Diane (Regine’s sister) for giving us the chance to watch! And thank you Ms. @reginevalcasid for being you.  You always rock big time – in so many ways and so many levels. Thank you for inspiring so many people.  Always know that you are worthy to be loved and adored by EVERYONE.  I had such a great time tonight! Maraming salamat po sa inyo.

“P.S., sobrang saya ko din to see the DoReMi trio!!! Binugbog ko ‘yung katabi ko sa tuwa lol.”

 

Hindi nakasama ni Maine manood si Alden Richards, pagkatapos nilang mag-attend ng ADNFest na nag-celebrate ang AlDub Nation ng very successful second anniversary nila sa SMX Convention Center sa tapat lamang ng MOA, na marami ang hindi na nakapasok ng venue, kaya pinuntahan na lamang sila nina Alden at Maine para batiin.

Very supportive din ang parents ni Maine na sina Nanay at Tatay Dub at si Daddy Bae ni Alden.  Mayroon kasing commitment si Alden sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa Laguna. Kaya ang nakasama ni Maine sa panonood sa Asia’s Songbird ay ang handler niyang siMichael Uycoco.

 

Samantala, sa Thursday na, October 26 ang grand launch at autograph signing ni Maine ng book niyang Yup, I’m That Girl na magaganap sa Activity Center ng Trinoma Mall, from 5:00 – 8:00 PM. Lumabas na ang book noong Friday. October 20 at sa first batch ng release, sold out agad ang copies sa mga mall na may National Bookstore. Mukhang nahihirapan daw ang Summit Books na makasagot sa orders na tinatanggap nila.