NI: Fer Taboy

Hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) ang namugot sa ulo ng isang dating barangay chairman sa Sumisip, Basilan, iniulat kahapon.

Batay sa ulat ng Basilan Police Provincial Office (BPPO), ang biktima ay kinilalang si Hadji Najir Bohong, 58, dating chairman ng Barangay Mahatalang, Sumisip.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima na walang ulo sa Sitio Punu sa Bgy. Mahatalang dakong 11:00 ng umaga nitong Linggo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa pulisya, ang biktima ay dating kapitan ng nasabing barangay.

Patuloy ang paghahanap ng mga pulis at sundalo sa pugot na ulo ni Bohong, habang inaalam pa ang motibo ng mga bandido sa pamumugot dito.