Ni NITZ MIRALLES

NAKAKATUWA ang nakita naming litrato nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, kasama si Jazz, ang anak ni Jennylyn.

Ang kuwento sa picture, dumalo si Dennis sa family day sa school ni Jazz at siya ang nagpakatatay sa anak ni Jennylyn.

Jennylyn, Jazz at Dennis copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Marami ang humanga kay Dennis dahil kahit hindi pa sila kasal ni Jennylyn, close na siya kay Jazz at kung makayakap si Jazz kay Dennis, parang tunay na ama niya ito.

Positive ang comments ng netizens na nakakita sa mga litrato ng tatlo at nagpapasalamat sila kay Dennis for being a father to Jazz. Si Calix (anak ni Dennis) na lang daw ang kulang at perfect family na sila. 

In fairness kay Dennis, hindi ‘yun ang first time na pagpapakatatay niya kay Jazz.

Samantala, nagpagupit na pala si Dennis, wala na ang dating buhok niya sa Mulawin vs. Ravena. Ang buhok niya ngayon ay ibinagay sa karakter niyang si Liam, sa primetime series na The One That Got Away, as ex-lover nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. Sa direction ni Maryo J. delos Reyes, mapapanood ang The One That Got Away simula sa January 2018.