Nina ROY C. MABASA at GENALYN D. KABILING

Mas nanaisin ng Pilipinas na magtuluy-tuloy ang trade relations sa European Union (EU) kaysa tanggapin ang mga bigay na may mga kondisyon na papanghinain ang soberanya ng bansa, ipinahayag ng opisyal ng Palasyo kahapon.

Ikinatwiran ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tumatanggi ang bansa na maging “mendicant” o mamalimos na palaging umaasa sa tulong ng mga banyaga.

“We’re always open to the offer of constructive advice…we’re also very, very open to trade, and so much to aid and grants with conditions,” ani Abella sa news conference sa Palasyo matapos tanggihan ang EU grants na may mga kaakibat na kondisyon.

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

“If certain conditionalities are tied to the aid and grant, we must respectfully decline as we do not wish to subject ourselves to monitoring or be dictated to. That’s apparently the position of the President at this stage,” dagdag niya.

Gayunman, hindi pa masasabi ni Abella kung tatanggihan din ng gobyerno ang anumang tulong ng EU para sa muling pagbangon ng Marawi City.

“It all depends on conditionalities that are being given but one thing is sure we are of course open to trade,” saad ng opisyal ng Palasyo.

Nang tanungin kung kaya ba ng bansa na tanggihan ang foreign aid para sa rehabilitasyon ng Marawi, inamin ni Abella na malaki ang kailangan ng bansa ngunit mananatili ang posisyon ng Pangulo na dapat ay walang kondisyon ang foreign aid.

“The nation is quite challenged in many areas but the President again and again underlined that we are not meant to be mendicants, and that we are not to compromise the sovereignty of the nation,” aniya.

Samantala, binanggit ni dating senador at special envoy to EU Edgardo Angara na balak ng EU na magbigay ng karagdagang 70 milyon euros sa development aid sa Pilipinas, bukod pa sa 250M euros na ipinagkaloob kamakailan sa Mindanao peace efforts.

“We will consult with each other. That’s democratic,” ani Angara sa panayam ng media nitong Huwebes ng gabi sa Pasay City.