Ni: Reggee Bonoan

NATATAWANG kuwento ng producer ng pelikulang The Barker na si Ms. Arlyn dela Cruz, noong hindi pa ipinalalabas ang Kita Kita ay malaya silang nakakapag-shoot ni Empoy Marquez at ng leading lady nitong si Shy Carlos.

EMPOY AT SHY copy

“Siguro isusumite pa lang sa MTRCB, nauna silang nag-shoot, hindi pa kumikita ang Kita Kita nagsu-shoot na kami. Kaya nga sabi ko, nakita ko ‘yung transition ni Empoy. What I mean by that, ‘yung mga unang three days namin na nagsu-shooting na kami, hindi pa siya pinagkakaguluhan ng tao.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“At nang mga sumunod naming shooting days dahil lumabas na ang Kita Kita, hindi kami makatapus-tapos ng eksena dahil sa pinagkakaguluhan na siya kahit saan.

“Kaya humanap kami ng lugar na hindi siya pagkakaguluhan. May eksena kasi roon na kailangan ng habulan, action, eh.

Eh, pati si Jeric Raval naging hawi boys ni Empoy, eh, dahil sa sobrang dami ng fans.”

Dati naman talaga ay bihirang mabasa ang pangalan ni Empoy, pero ngayon nakita namin na cover pa siya sa glossy magazine at ang dami nang TV commercials.

Nabanggit din ng producer ng Blank Pages Production na huli nang naipasok ang pangalan ni Empoy para sa The Barker.

“Noong nag-uusap pa lang kami, wala pa kaming alam kung sinong artista ang magbibida. Pinag-usapan lang namin sa isang restaurant. Hindi ba sa isang restaurant may mga papel na ‘yun ang gamit nilang placemat, doon kami nagsulat -- kaming tatlo, ako, si Dennis Padilla (direktor) at si Gary. ‘Tapos isip kami nang isip kung sino ang puwede.

“Sabi ko nga kay Dennis, ‘Ikaw na lang kaya.’ Eh, sabi niya, ‘Hindi ko na time, iba na lang’ pero iginiit ko na mag-cameo siya. At doon na lumabas ang pangalan ni Empoy,” kuwento ni Direk Arlyn.

Obviously, comedy film ang The Barker kaya tiyak na hahagalpak ang lahat ng makakapanood, ito ang paninigurado ni Dennis Padilla.

Mapapanood na ang The Barker sa Oktubre 25 nationwide, na distributed ng Viva Films.