NI: Orly L. Barcala

Arestado ang isang vulcanizer nang ireklamo ng kapatid ng 13-anyos na babae na binigyan nito ng P100 para molestiyahin sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa report ni SPO3 Lorena Hernandez, officer-in-charge ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), kay Police Chief Inspector Rhoderick Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), kinasuhan nila ng rape ang suspek na si Elrey Timbal, 38, ng Santol Street, Barangay Bagbaguin ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima, idinaing sa kanya ng dalagita ang pananakit ng ari nito at tuluyang ipinagtapat ang panghahalay ng suspek nitong Oktubre 17, bandang 5:00 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binigyan umano ni Timbal ng P100 ang biktima para huwag magsumbong.

Dahil dito, nagpasya si Emma na magpunta kay PO3 Allan Visconde, ng Police Community Precinct (PCP) 1, at ipinaaresto si Timbal na papasakay na ng tricycle para tumakas, dakong 9:00 ng gabi.

“Kung na-late kami ng dating malamang nakatakas na itong suspek. Kasi may nakapagsabi sa kanya (Timbal) na nagpunta sa presinto ang kapatid ng biktima,” ani PO3 Vizconde.