Ni LITO T. MAÑAGO

BINIGYAN ng send-off party ng showbiz friends ang reigning Reina Hispanoamericana Filipinas 2017 (isa sa tatlong bagong titulo ng Miss World Philippines 2017) na si Winwyn Marquez na lilipad patungong Bolivia para sa international competition sa November 4. 

WYN copy copy

Bahagi ng send-off party ang ilang kaibigan nila ng boyfriend niyang si Mark Herras. 

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sa photo na nakita namin sa social media, dumating sa pagtitipon sina Rocco Nacino, Steven Silva, Enzo Pineda, JayR Sillona, Kris Lawrence, newly engaged couple Rodjun Cruz at Dianne Medina, at sina Aicelle Santos at Mark Zambrano. 

Kabado pero excited at handa nang lumaban si Winwyn sa Reina Hispanoamericana 2017 pageant na base sa Google search ay nagsimula noong 1991.

“Excited and at the same time nakararamdam ng nerbiyos,” sabi ni Wyn. “Kasi nga it’s a Spanish-based beauty competition.”

Ayon pa sa dalaga nina Joey Marquez at Alma Moreno, alam daw naman ng organization na hindi siya versed o dalubhasa sa pagsasalita ng Español. 

“Sabi nila, I don’t need to be fluent kasi they don’t speak perfect English din naman, kailangan lang na marunong ako ng basic Spanish,” sabi ng beauty queen. 

Kamakailan, pumirma ng movie contract sa Regal Entertainment ang Miss World Philippines (MWP) 2017 winners sa pangunguna ng Miss World Philippines na si Laura Lehmann. 

Pumirma rin si Winwyn, kasama ang iba pang title holders na sina Cynthia Thomalla (Miss Eco Philippines), Sophia Senoran (Miss Multinational Philippines) at Glyssa Leiana Perez (1st Runner-Up). Hindi nakarating ang 2nd Runner-Up na si Zara Carbonell. 

Sumaksi sa contract signing ang mag-inang Mother Lilyat Roselle Monteverde at Miss World Philippines franchise holder na si Arnold Vegafria ng ALV Talents Circuit. 

Katulad ng Big 4 beauty pageants (Misses U, World, International at Earth), itinuturing na ring major pageant ang Reina Hispanoamericana. 

“Nu’ng una, I didn’t know about it. So, we did a research. Apparently, matagal na rin ito,” saad ng actress-turned beauty queen.

Unang sumubok sa Bb. Pilipinas pageant si Winwyn noong 2015 but she lost, and years after, sinubukan niyang sumaling muli sa Miss World PH ngayong taon at luckily, naiuwi niya ang korona ng Reina Hispanoamericana Filipinas. 

“Dreams do come true. I am proud to be the first ever Ms. Filipinas. #ReinaTeresita #4daystogo @reinahispanoamericanafilipinas,” ang photo caption ni Winwyn sa kanyang Instagram post.