Ni NOEL D. FERRER

SA wakas, nakita na ng ilang kaibigan natin sa industriya ang mahusay na aktor na si JM de Guzman nitong weekend.

Nag-birthday kasi ang mommy ni JM at nag-imbita ng ilang malalapit na kampamilya’t kaibigan, at doon bumungad ang isang guwapo pa rin, maayos at presentableng si JM.

MEG AT JM copy copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Based on his social media posts, laging may gitara at patuloy na kumakanta si JM kaya with the presence of his Ivory Music family na nandoon din, hindi malayong bumalik siya sa recording. Mas mahusay na siyang maggitara at napahinga ang boses niya.

Nakadalawang album din si JM at nagka-repackaged version pa nga, pero hindi na niya nai-promote ang last album niya dahil naging mahirap na ang kanyang kalagayan at kinailangan na niyang magpa-rehab noon.

Ang maganda ru’n, sa halip na magkagalit o magdemandahan, inunawa ng Ivory Music ang kalagayan ni JM at napanatili nila ang kanilang magandang samahan. Kaya hindi nakakapagtaka na kung bumalik man siya sa recording, sa mga kaibigan niya sa Ivory pa rin magtiwala si JM.

Ngunit kailan nga ba magbabalik-showbiz si JM?

Ang sabi ng kanyang pamilya, sisiguraduhin nilang okey na okey na si JM at magbibigay sila ng announcement soon.

Palaging bukas ang pinto ng showbiz sa mahuhusay na aktor na marunong tumanggap ng pagkakamali at harapin ang kaakibat nitong responsibilidad.

Marami pa ring naghihintay sa pagbabalik ni JM de Guzman; hindi si Meg Imperial lamang.

‘Yun na!