Ni: Bella Gamotea

Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Malacañang na ideklarang holiday ang pagdaraos ng ASEAN Summit week sa Nobyembre 10-14.

Paliwanag ng MMDA, inaasahan ang mas matinding trapiko sa pagdating sa bansa ng mga delegado at leader ng ASEAN, lalo na dahil magpapatupad ng “Stop-and-Go” traffic scheme kapag dadaan ang convoy ng mga ito.

Sinabi ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, na smas makabubuti na wala na lang pasok sa eskuwelahan at mga opisina para manatili sa kani-kanilang bahay ang publiko.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Matatandaang marami ang na-stranded sa traffic sa kasagsagan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit noong 2015 para bigyang-daan ang maginhawang transporasyon ng dumalong world leaders.

Inaprubahan na rin ng Metro Manila Council, ang policy-making body ng MMDA, ang kanselasyon ng pasok sa eskuwela sa lahat ng antas sa Nobyembre 16-17 para naman sa mga pulong ng ASEAN.

Ngayong Linggo, muling isasagawa ang ASEAN convoy dry-run mula sa Clark, Pampanga hanggang sa Metro Manila simula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 umaga.

Nabatid na isasagawa na ang convoy dry-run tuwing Linggo hanggang sa mismong summit.