Ni: Mary Ann Santiago

Mahigpit na ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na hulihin ang mga suspek sa pagpatay sa isa na namang kapitan ng barangay sa Tondo, Maynila.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Estrada sa pamilya ng biktimang si Arnel Parce, 47, na aniya’y “very competent” na chairman ng Barangay 20, Zone 2, District 1.

Nabatid na si Parce ang ikalimang barangay chairman sa Maynila na pinatay ngayong taon.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

“Get the culprits as soon as possible!” utos ng alkalde kay Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.

Ayon kay Erap, personal niyang kilala si Parce at kuwalipikado ito sa posisyon dahil masipag at napakabait na tao.

“He’s very qualified. He’s very industrious and down to earth. The barangay chairman was very competent,” paglalarawan ng alkalde kay Parce.

“He always had his heart for his constituents,” dagdag pa ni Estrada, at sinabing hindi ito nagdadalawang-isip na lumapit sa kanya basta para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.

Matatandaang binaril si Parce habang nakikipag-usap sa ilang residente sa San Roque Street.

Nakunan pa ng closed-circuit television (CCTV) camera ang pagbaba ng armado mula sa motorsiklo at pinaputukan ang biktima.

Nakipagbuno rin ang suspek sa isang barangay employee na kinilalang si Christopher Balotinos, alyas Pipi, na nadaplisan ng bala sa likod.