Ni NITZ MIRALLES

DATI palang matatag ang loob ni Enrique. Pero malaki at maganda ang nagawa kay Enrique Gil ng pelikulang Seven Sundays ng Star Cinema dahil muli siyang pinaiyak at na-realize niyang capable pa rin siyang umiyak.

Enrique copy

Kuwento ng aktor sa presscon ng pelikula ni Cathy Garcia-Molina na showing simula bukas, October 11, for some reasons, hirap siyang umiyak.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“Hindi ako iyakin and even when my dad passed away hindi ako umiyak. Pati sa workshop kay Direk Rahyn Carlos, hindi ako umiyak. He told me there must be something wrong with me dahil hindi ako umiyak. Pero sa eulogy scene sa Seven Sundays, umiyak ako, naging close kasi kami rito ni Tito Ron (Ronaldo Valdez) who plays my dad in the movie. After so many years, just that scene umiyak ako dahil naalala ko ang dad ko. Sa libing ng dad ko, hindi ako umiyak, pero dito, umiyak ako,” kuwento ni Enrique.

Bukod sa muling pinaiyak si Enrique sa movie, naging malambing din siya sa mom niya na pati siya nagugulat.

“I’m 25 years old at hindi ako makapaglambing sa mom ko. Now, I call my mom just to say I love you. Awkward ang ginagawa ko and I’m sure, na-a-awkward din siguro ang mom ko,” wika ni Enrique.

Hindi pabor si Enrique sa planong early retirement ni Direk Cathy after two years. Pabiro ang ibinigay nitong rason na wala nang pupuri sa kanyang director kapag tumigil na ito sa pagdidirek. Naikuwento kasi ni Direk Cathy na may isang eksena sa Seven Sundays na ang husay-husay ni Enrique.

“Favorite scene ko ‘yun sa movie ‘yung eksenang umuwi sa house si Dexter (Enrique) wala akong nakitang Enrique Gil, no LizQuen factor. Simple scene lang ‘yun, pero ang galing-galing niya and I commend Quen for that. I love Quen, never lumaki ang ulo and he’s always improving.”

Ang sagot ni Enrique sa magandang sinabi ni Direk Cathy tungkol sa kanya, “Happy ako na before she leaves showbiz, nakatrabaho ko siya.”