Ni: Bella Gamotea

Magkakaroon ng dry-run convoy sa southbound lane ng Subic-Clark, Tarlac Expressway (SCTEx), North Luzon Expressway (NLEX), at EDSA ngayong Linggo, Oktubre 8, bilang paghahanda sa seguridad sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na asahan ang pagsisikip pa ng trapiko dulot ng dry-run convoy.

Sinabi ni MMDA Special Operations Officer at Technical Working Group on Traffic Management Chief Emmanuel Miro, dadaan ang convoy sa southbound lane ng SCTEX, NLEX at EDSA, at kasabay nito ay asahan din ang posibleng implementasyon ng full stop o pagtigil ng mga sasakyan sa nabanggit na higgway upang bigyan-daan ang pagdaan ng convoy.

National

Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Bukod rito, ipaiiral din ang “stop and go scheme” sa mga intersection upang tiyakin na hindi maiipon ang mga apektadong motorista.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon ngayong Linggo upang hindi maabala sa trapiko.