NAITARAK ng Ateneo ang come-from-behind 3-2 panalo kontra sa De La Salle para makopo ang huling slot sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s badminton playoff kahapon, sa Rizal Memorial Badminton Center.

Nagwagi ang tambalan nina Carlo Remo at Keoni Asuncion, at ang deciding singles match ni Clarence Filart para makaungos sa mahigpit na karibal sa liga.

Haharapin ng Ateneo sa unang step-ladder semis duel ang No. 3 na University of Santo Tomas, ganap na 8:00 ng umaga ngayon sa RMBC.

Ginapi nina Remo at Asuncion ang tambalan nina Prince Monterubio at Michael Saragena, 21-18, 19-21, 21-18, sa second doubles para sa Eagles, at maitabla ang tie sa 2-2.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Naselyuhan ni Filart ang tagumpay ng Katipunan-based shuttlers nang daigin si Andrew Pineda, 14-21, 21-15, 21-17.

Nakauna ang De La Salle nang manalo sa dalawa sa unang tatlong tie kung saan ginapi ni Glenn Camillo si Remo, 21-17, 21-18, sa second singles at namayani ang tambalan nina Cayel Pajarillo at Jerrickson Oba-ob kontra kina Filart at Miguel Paña, 21-16, 21-10.

Nabuhayan ang Blue Eagles sa panalo ni Asuncion, last season’s top rookie, kontra kay Pajarillo, 21-16, 21-11.

Umusad ang defending champion na National University sa Finals nang walisin ang anim na tie sa elimination round.