PINANGUNAHAN nina Cherry Rondina and Caitlyn Viray ang ratsada ng University of Sto. Tomas Tigresses kontra National University, 21-9, 21-8 kahapon sa UAAP Season 80 beach volleyball tournament sa Sands By the Bay sa MOA.

Naitala naman ng Tamaraws, sa pangunguna nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza, ang University of the Philippines, 21-8, 21-14 panalo sa Ateneo’s Bea de Leon and Jules Samonte.

Nakabawi naman ang Lady Eagles tungo sa 17-21, 22-20, 15-10 panalo kontra University of the East.

Umusad ang La Salle Lady Spikers sa 1-1 nang kunin ang 21-14, 21-10 panalo kontra kina Adamson University’s Bern Flora at Chrislyn Uy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa men’s division, sinimulan ng UST ang kampanya sa come-from-behind 12-21, 21-15, 17-15 panalo .

Giniba ng NU ang last season’s runner-up FEU, 21-23, 21-19, 17-15, habang nanaig ang De La Salle sa Adamson University, 24-26, 21-19, 15-12, habang nakauna ang Ateneo kontra UE, 21-13, 21-12.