Ni REGGEE BONOAN

MAY itinatayong Jollibee sa may corner ng 13th Avenue at Tuazon Street, Cubao, Quezon City na inakala naming baka kay Kris Aquino dahil nabanggit niya sa amin noon na magbubukas siya nito sa Quezon City pero naghahanap pa siya ng magandang location.

Kris A copy copy

Kaya agad naming tinanong ang kanyang ever loyal personal assistant na si Alvin Gagui kahapon kung kay Kris ang bagong Jollibee na malapit din lang sa kanyang unang pag-aaring branch ng Chow King, sa Alimall.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“No po, ‘yung ginagawa sa Tarlac ang branch niya,” sagot ni Alvin.

Maya-maya ay tumawag na sa amin ang maalagang assistant ni Kris kaya nangumusta kami, at ikinuwento niya na masayang-masaya ngayon ang mama nina Josh at Bimby dahil abala sa maraming trabaho at negosyo.

Inalam din namin kung saan at anong TV network mapapanood si Kris na una na naming nalaman na may negosasyong nangyayari.

“Secret pa po, basta abangan na lang,” sagot ni Alvin sa amin.

Bukod sa mga binubuksang food outlets, abala rin daw si Kris sa kanyang video blog na marami nang followings at nag-i-enjoy siya rito.

Samantala, napag-alaman namin sa kakilala naming konektado sa ahensiya na marami pa ring endorsements si Kris dahil nag-renew lahat at nalaman nang kahit nagpahinga sa TV ay hindi naapektuhan ang sales ng mga produktong iniendorso niya.

Anyway, kailan kaya matatapos ang Jollibee branch ni Kris sa Tarlac at magkakaroon din kaya siya ng TVC nito tulad ng Chow King?