NALAGPASAN ng defending champion St. Clare College at De Ocampo Memorial College ang matinding laban sa magkahiwalay na serye para makalapit sa inaasahang championship duel sa NAASCU Season 17 basketball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Sinandigan ni Earvin Mendoza ang makapigil-hiningang 77-74 panalo ng St. Clare kontra sa matikas na Colegio de San Lorenzo, habang nakalusot ang De Ocampo kontra St. Francis of Assisi College, 75-73.

Tatangkain ng St. Clare at De Ocampo na selyuhan ang titular showdown sa paglarga ng Game Two ng kanilang best-of-three semi-finals series bukas.

Naisalpak ni Mendoza ang game-winning jump shot may dalawang segundo ang nalalabi para ihatid ang Saints sa 75-74 bentahe. Pumuntos ang 6-foot-6 African import na si Mohamed Pare para sa final count.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Nakaabante ang Griffins sa 74-71 nang makumpleto ni Jon Gabriel ang three-point play mula sa foul ni Junjie Hallare may 1:01 ang nalalabi sa laro. Nakabawi si Hallare sa naisalpak na dalawang free throws para sa 73-74 may 34 segundo ang nalalabi.

Nagmintis si Jan Dominic Formento sa three-point attempt sa opensa ng San Lorenzo may 10 segundo sa laro na naging daan sa game-winning jumper ni Mendoza.

Nanguna si reigning MVP Aris Dionisio sa St. Clare sa naiskor na 23 puntos, habang nag-ambag si Hallare ng 14 puntos at may tig-12 puntos sina Rafael Rebugio at Pare.

Hataw sa San Lorenzo si import Soulemane Chabi Yo sa natipang 27 puntos at 23 rebounds.

Dikdikan din ang sagupaan ng De Ocampo at St. Francs na natapos sa dalawang puntos na bentahe.

Kumubra si Dahrell Caranguian sa De Ocampo sa naiskor na 28 puntos.

Iskor:

(Unang laro)

De Ocampo (75) - Caranguian 28, Atabay R. 12, Manalang 9, Fabro 7, Gallardo 5, Wenceslao 4, Clarito 3, Dela Cruz 2, Ramos 2, Montojo 2, Cañeles 1, Pacual 0.

St. Francis (73) - Larotin 11, Lanoy 11, Chu 11, Cruz 10, Arellano 7, Parcero 7, Ramos 2, Tolosa 2, Madrid 1, Cristobal 1, Derama 0.

Quarterscores: 13-16; 28-33; 54-50; 75-73.

(Ikalawang laro)

St. Clare (77) - Dionisio 23, Hallare 14, Pare 12, Rebugio 12, Palencia 5, Mendoza 4, Rubio 3, Fuentes 2, Alcober 2, Puspus 0.

San Lorenzo (74) - Chabi Yo 27, Gabriel 25, Rojas 8, Baldevia 6, Sablan 2, Laman 2, Alvarado 2, Callano 2, Formento 0, Vargas 0.

Quarterscores: 18-18; 35-37; 55-59; 77-74.