Ni JIMI ESCALA

BINULUNGAN kami ng kaibigan naming ABS-CBN insider na may inaayos na isyu ang management ng kanilang network at si John Lloyd Cruz. Bukod pa raw ito sa unti-unti nang pinaplantsang mga isyu na ibinabato kay John Lloyd dahil sa pakikipagrelasyon kay Ellen Adarna.

JOHN LLOYD copy copy

Kahit marami ang pumupuna sa PDA o public display of affection ni John Lloyd kay Ellen na hindi naman kailangang pigilan, kahit papaano ay nakagawa na ng paraan ang management.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon sa aming source, nag-uusap na ang management at ang aktor, pero the other day ay nagpaalam si John Lloyd na magbabakasyon ng ilang araw dahil may dadaluhan itong importanteng okasyon sa labas ng Pilipinas.

Pero hindi pumayag ang management, lalung-lalo na ang namamahala ng sitcom ng actor with Toni Gonzaga na My Sweetie Home. Kaya sumama ang loob ng actor at may nakapagparating ng info sa management na tutuloy pa rin si Lloydie sa ibang bansa, pumayag man o hindi ang mga taong namamahala sa show.

Sey ng spy namin, may katwiran ang management kung bakit hindi nila pinayagang umalis ng kahit ilang araw lang si John Lloyd. Sobra-sobra na ang naging bakasyon nito at kung papayagan nila ulit ngayon ay malamang na mag-suffer ang show nila ni Toni.