Ni: Liezle Basa Iñigo
SAN MANUEL, Pangasinan - Patay na nang matagpuan ng kanyang kapatid ang isang binata na sinasabing nagpatiwakal sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Guiset Norte sa San Manuel, Pangasinan.
Kinilala ng pulisya ang nagpakamatay na si Anthony Sevidal, 24, ng Bgy. Guiset Norte, San Manuel. Dakong 2:00 ng hapon nitong Miyerkules nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa kisame.
Ayon sa ina ni Sevidal, problemado ito sa kasintahan makaraang mabalitaan na ikakasal ang dalaga sa ibang lalaki.
Naniniwala ang pamilya ng binata na dinibdib niya ang nabalitaan hanggang magpasyang magpakamatay.