Ni: TIME

INAMIN ni Brooke Shields na sinubukan siyang yayain sa date ni President Donald Trump sa pamamagitan ng pagsasabing ito ang “America’s richest man.”

Brooke copy

Nang maging guest sa Watch What Happens Live! ay sinabi ni Brooke Shields kay Andy Cohen na kinausap siya ni Trump sa telepono sa nagmamayabang na tono na magiging power couple sila, nang makipaghiwalay ni Trump kayMarla Maples noong ‘90s.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“I was on location doing a movie and he called me right after he gotten a divorce,” sabi ng aktres. “And he said, ‘I really think we should date because you’re America’s sweetheart and I’m America’s richest man and the people would love it.’”

Sa kasamaang-palad ng manliligaw, hindi na-impress si Brooke sa sinabi ni Trump at sinabi niya rito na, “I have a boyfriend, he’s not really going to be happy about it.”

Hindi lang si Brooke Shields ang high-profile na babaeng tumanggi sa alok ni Trump; inihayag din ni Candice Bergen na mayroon siyang awkward first date kasama ang pangulo at sinabi rin ni Salma Hayek na sinubukan din siyang ligawan nito habang mayroon siyang boyfriend.