MAAGANG nakabawi ang Team Philippines nang gapiin ang Sri Lanka, 8-5, nitong Martes sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 28th Baseball Federation of Asia - Asian Baseball Championship sa New Taipei City, Taiwan.

Hataw si Jonash Ponce sa kahanga-hangang game-tying three-run home run sa third inning bago kumana si Carlos Munoz ng sacrifice fly sa fourth para maibigay sa Philippines ang 4-3 bentahe.

Nagawang makatabla ng Sri Lanka sa ikawalong inning sa 5-5, ngunit nagpakatatag ang Pinoy batters sa sumunod na tagpo para masungkit ang panalo at makabawi sa nakadidismayang 12-2 kabiguan sa host Chinese-Taipe nitong Lunes.

Haharapin ng Philippines ang Korea sa Miyerkules, asam ang panalo para makausad sa semifinals. Galing sa 3-2 kabiguan ang Korea sa nangungunang Chinese Taipei.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA