Ni: Reggee Bonoan

LUMIPAT na pala si Jason Abalos sa GMA-7. Kaya pala may post ang Star Magic publicity manager na si Thess Gubi na magkasama sila sa picture na may caption na, “No goodbyes. Just see you around. Good luck @thejasonabalos.”

JASON_option copy

Nalungkot kami sa pag-alis ni Jason sa ABS-CBN dahil gusto namin siya, mabait, magalang, at palabati saan man namin makita.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

 

Pero masaya na rin kami para sa aktor dahil baka mas mabigyan siya ng maraming project sa Kapuso Network. Hindi na rin naman siya bumabata, sa edad na 32 ay kailangan na niyang maging stable.

 

Sa rami ng mga artista sa ABS-CBN, big stars lang ang masuwerteng nabibigyan ng teleserye sa isang taon at may follow-up kaagad. Kaya big stars din ang nakakakuha ng kaliwa’t kanang endorsements.

 

Pero kapag nabibiyayaan ng suwerte ngayon ay kailangang magpakatino at pagbutihin ang trabaho dahil napakabilis ng turn-around sa rami rin ng mga baguhang dumarating. Masuwerte na kung sikat ka pa rin pagkalipas ng dalawa o tatlong taon.

 

Naniniwala kami na mas nagtatagal talaga ang may mga talent kaysa sa puro pa-cute lang at paramihan ng supporters.

 

Anyway, good luck din sa ‘yo, Jason at sabi nga ni Tikya, ‘see you around.’