Ni: Bert de Guzman

NAG-IIBA na ang tono ng pananalita ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ngayon sa United States na lagi niyang minumura at sinisisi dahil umano sa pakikialam sa PH affairs. Kung noon ay minura niya (son of a bitch) si US ex-Pres. Obama at idinamay ang buong bansa ni Uncle Sam sa kanyang galit, ngayon ay medyo mabait at “friendlier” na siya at kinikilala ang pagtulong ni Tata Sam kay Juan dela Cruz, lalo na sa Marawi City crisis.

Habang isinusulat ko ito (noong Martes), mukhang si Cielito “Honeylet” Avancena, ang kanyang loving partner, ay nasa Amerika pa sapul nang sumabay sa delegasyon ng Pilipinas para dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA) na pinamumunuan ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano.

May sapantaha ang ating kababayan na “mabait at mapagkaibigan” ngayon si Mano Digong sa US sapagkat ang minamahal niyang Honeylet ay nasa “Land of Wine and Roses” pa, bukod sa kinikilala niya ngayon ang tulong ng Amerika sa Pilipinas. May bumulong nga sa akin na baka raw tinawagan ng kanyang giliw si PRRD upang paalalahanan na tigilan ang pagmumura sa US habang siya ay naroroon pa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pambihirang pagbaligtad (turnaround) ni PDU30 sa kanyang usual na pagmumura at pagkagalit sa bansa ni Uncle Sam, sinabi niyang ang kalupitan at kabuhungan (atrocities) ng mga Kano laban sa Filipino Muslims noong colonial period---panangga niya sa kritisismo tungkol sa kanyang war on drugs--- ay “water under the bridge” na. Ganito ang pagbaligtad ni Pres. Rody: “It was bad enough there were foreigners and yet this has to happen. (There were) many other massacres especially in Mindanao and the Moros. These are all water under bridge.” Inihayag ni Mano Digong ito sa ika-116 na anibersaryo ng Balanginga massacre sa Eastern Samar noong Setyembre 28.

Nagtataka ang ating mga kababayan kung bakit pinapartikular ni Pangulong Duterte ang atrocities o kabuhungan at pamiminsala ng US samantalang ang Japan at China ay grabe rin ang nagawang pinsala at pagdapurak sa Pilipinas sa nakalipas na panahon. Noong World War II, sinakop at dinurog ng Japan ang PH, ginahasa at ginawa pang “comfort women” ang ating kababaihan. Ang China naman ay sinalakay ang ating bansa sa pamumuno ni Limahong at inalipin ang mga katutubo. Hanggang ngayon,... mga Chinese ang may hawak ng ekonomiya at negosyo sa ‘Pinas, pero kinakaibigan pa rin ni PRRD si Japanese PM Abe at Chinese Pres. Xi Jinping. Sabi nga ni FVR, puwede namang kaibiganin ang Russia at ang China nang hindi makikipagkagalit sa US.

Siyanga pala, yumao na ang founder ng Playboy Magazine, si Hugh Hefner, 91 anyos. Batay sa kanyang pahayag, siya ay nagkaroon ng pakikipagtalik sa may 1,000 babae noong kanyang kapanahunan. Bulong ng isang kaibigan: “Ano ang sikreto ni Hefner sa kanyang virility, may Viagra na ba noon?” Aba, ewan ko. Ano ba ‘yang Viagra?