Ni RIZALDY COMANDA

ITINAMPOK ng mga respetadong alagad ng sining mula sa Cagayan Valley region ang kani-kanilang obra-maestra sa ginanap na My City, My SM, My Art sa Cauayan City, Isabela.

5

Ang visual artists mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Batanes ay nakiisa sa proyekto ng SM Company na maipakilala sa bawat rehiyon ang artists at bilang suporta sa pagpapalago ng turismo sa lungsod.

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

 

Ang mga artist ay sina Yuan Mor’O Ocampo, Patrick Chong at Victor Manangan mula sa Isabela; Dexter Bigayan at Marlin Lopez ng Nueva Vizcaya; Cagayano Artists Group, Inc. at Jen Consumido ng Cagayan; at Yaru Nu Artes ng Ivatan, Batanes.

 

Naging mahalaga rin ang okasyon bilang tribute kay Pacita Abad, kilalang international Ivatan artist.

 

Ang My City, My SM, My Arts ay isang cultural roadshow na nagbibigay- pagpapahalaga sa visual arts – painting, sculpture, printmaking, photography at filmmaking sa bansa.

 

Ang matagumpay, makasaysayan at makabuluhang okasyon na ito ay binuo at isinasakatuparan ng SM Publicity Department sa pamumuno ng senior vice president for marketing communication group–publicity na si Ms. Millie F. Dizon at katuwang ang Metropolitan Museum of Manila, na suportado naman ng National Commission for Culture and the Arts.

[gallery ids="267758,267759,267760,267761,267766,267765,267764,267763,267767,267753,267754,267755,267756"]