KITA-kitz sa Ilocos Sur.

Mabilis ang pagkalat ng mensahe sa social networking site para sa mga atletang estudyante at mga opisyal matapos ipahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagkakapili sa lalawigan ng Ilocos Sur bilang host ng 2018 Palarong Pambansa.

singson copy

Pinangunahan ni Governor Ryan Singson ang paglalahad ng programa at plano ng Ilocos Sur sa isinagawang final bidding na dinaluhan ng mga opisyal ng DepEd at kinatawan ng ibang lalawigan at lungsod na nag-bid para sa karapatang maging host sa ginanap na pulong sa Seameo Innotech sa Quezon City.

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

Kasama ni Gov. Singson na nagbigay ng ayuda sa malawakang programa ng lalawigan sa sports development sina Dep-ed Region 1 Director Alma Ruby C. Torio, Ilocos Sur Schools Division Superintendent Gemma Tacuycuy, Provincial Administrator Cara Michelle Peredo, at Provincial Sports Coordinator Mr. Marius Cabudol.

“We have evaluated Ilocos Sur’s facilities and equipment and they are definitely up to Palarong Pambansa standards, if not better. For starters, the Palaro hub—Quirino Stadium—is state of the art,” pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali.

Iginiit naman ni Gov. Singson na napaghandaan ng lalawigan ang sa mga venues at tutuluyan pansamantala ng mga kalahok.

“This is very meaningful for us, as for the first time, Ilocos Sur will host this most prestigious event for elementary and secondary students. We will show to the whole nation what the Ilocosurians are capable of as hosts,” sambit ni Singson.

Sinabi ni Gov. Singson na malaking tulong ang Palarong Pambansa para maipakita sa sambayanan ang kagandahan ng lalawigan, gayundin ang malaking maitutulong nito sa ekonomiya at turismo ng rehiyon ng Ilocos.

Bilang pampagana, gaganapin sa Ilocos Sur sa susunod na buwan ang Batang Pinoy Luzon Leg – ang grassroots sports program ng Philippine Sports Commission (PSC).

“This event aims to bring out, particularly, the Iloco Youth’s talent and skills in various sports, and display values inherent in the practice of sports such as discipline, teamwork, cooperation and sportsmanship,” pahayag ni Singson.