Ni: Jimi Escala

SA launching ng kanyang librong It’s Like This nabanggit ni Boy Abunda na sumagi na sa isipan niya ang pagreretiro sa showbiz at mag-enjoy na lang sa pribadong buhay. Pero agad niyang binawi at sinabing wala pa siyang planong iwanan ang industriya na napakabuti sa kanya.

BOY copy copy

“Wala pa akong planong iwan na ang showbiz pero may mga pagkakataon na kung minsan gusto ko na. Kaya nga minsan I talk to myself, sinabi kong kailan kaya ako magkakaroon ng pagkakataon na makapagbakasyon ng kahit isang buwan na diretso talaga,” seryosong lahad ng King of Talk sa entablado ng Shangri-La Edsa Mall bago nagkaroon ng book signing.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ni Kuya Boy, sobrang blessed siya na minahal siya ng entertainment industry kaya hindi niya alam kung kailan ang tamang panahon para magretiro.

“ABS-CBN has treated me so well all these years but compare the pagod to the blessings ang layo. Sobrang ang daming mga blessings na ibinigay sa akin. That’s why I’m eternally gratefull for all the blessings,” aniya pa.

Napaisip ang premyadong talk show host nang tanungin kung anong edad sa palagay niya dapat siyang magpahinga sa showbiz.

“Well, I don’t think I will ever retire pero sa ngayon siguro, eh, gusto ko muna ang break. I mean, I want to take a break. When? Well, I don’t know, I will listen to the whisper,” napatawang banggit ng host ng Tonight With Boy Abunda at The Bottomline.