Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Meralco vs Blackwater

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

MAUUWI lang ba sa wala ang makasaysayang kampanya ng Meralco bilang top seed ngayong conference?

Masasagot ito ng Blackwater sakaling makumpleto ang matikas na ratsada sa kanilang paghaharap ng Meralco sa Game 2 ng kanilang quarterfinal playoff series sa PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

Nakauna ang No.8 seed sa Bolts nang makalusot sa dikitang laban, 92-91 nitong Miyerkules.

Hindi sinayang ng bagong lipat mula sa Star na si Allein Maliksi ang tiwalang ibinigay sa kanya ng import na si Henry Walker para maisalba ang Elite sa pamamagitan ng isang jump shot may nalalabi na lamang 9.3 segundo sa laro.

Sinabi ni Elite coach Leo Isaac na para kay Walker ang huling play, ngunit nakita nitong libre si Maliksi na nagawa namang magdeliver.

“But all is not finished here. We still have a game on Thursday, and we’re sure Meralco will prepare. Hopefully we’ll have enough firepower on Thursday,” pahayag ni Isaac.