Ni Genalyn D. Kabiling, May ulat ni Beth Camia

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa business tycoon na si Lucio Tan na bayaran na ang mga utang nitong buwis sa loob ng 10 araw, kung ayaw nitong ipasara niya ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ginagamit ng airline company ng negosyante.

Ayon kay Duterte, tinanggihan niya ang campaign money na inialok ni Tan, may-ari ng Philippine Airlines, at sa halip ay sinabihan itong magbayad ng pagkakautang sa buwis sa gobyerno.

“I did not accept his money. He is a contributor. At sabihin ko na—Lucio Tan, donor of funds. Sabi ko, ‘No’,” sinabi ng Pangulo nang dumalo siya sa pagtitipon ng Philippine Constitution Association sa Manila Hotel.

National

Desisyon sa impeachment trial vs VP Sara, ‘walang assurance’ na magiging patas – Pimentel

“You are using government buildings, airport, you have a back…utang diyan sa runway, ‘di mo binabayaran. Sabi ko, ‘You solve the problem yourself. I will give you 10 days. Bayaran mo. ‘Pag hindi mo bayaran, eh ‘di sarahan ko. Wala nang airport. So what?” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo, kakailanganin na lamang magbiyahe sa lupa ng mga pasahero sakaling ipasara niya ang airport na ginagamit ng mga eroplano ng negosyante dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

“Kayo, Pilipino, have to travel overland from Luzon to Davao. Basta bayaran mo, huwag mo akong bigyan ng sh*t nang ganun. I do not mind. If we sink, we sink,” aniya.

Abril ngayong taon nang sabihin ni Pangulong Duterte na umaabot sa P30 bilyon ang utang ni Tan sa buwis sa gobyerno.