Ni: Fer Taboy

Patay ang isang bagong silang na sanggol matapos isilid sa sako ng sarili niyang ina sa Libmanan, Camarines Sur, kahapon.

Nagulat ang mga kaanak ng ginang nang hindi makita ng mga ito sa loob ng bahay ang sanggol gayung kapapanganak lamang nito.

Ayon sa Libmanan Municipal Police, tinanong ng mga kaanak ng suspek kung nasaan ang kanyang anak at sinabi ng ginang na inilagay niya ang sanggol sa sako at iniwan sa kusina.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mabilis na tinungo ng mga kaanak ang sanggol, inilabas sa sako at isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Kasalukuyang nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong infanticide.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dumaranas ng post partum depression ang suspek, na nabatid na dati nang ipinasok sa isang mental health facility.