Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2 n.h. -- FEU vs NU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- Ateneo vs UST

WALA pang gurlis ang Ateneo Blue Eagles. At sa matalas na kuko ng University of Santo Tomas Tigers, asam ng Katipunan-based cagers na manatiling matatag sa UAAP Season 80 seniors basketball tournament.

Haharapin ng nangungunang Blue Eagles (4-0) ang malamyang Tigers (0-4) sa duwelo ng lider at kulelat na koponan sa main game ng double header ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon matapos ang duwelo sa pagitan ng Far Eastern University at National University ganap na 2:00 ng hapon.

Nadagit ng Eagles ang ikaapat na sunod na panalo nang pataubin ang kuleleta ding University of the East Warrior.

Nagpamalas ng consistent game sina Thirdy Ravena, Matt at Mike Nieto, Anton Asistio, Aaron Black at Vince Tolentino, sapat para bansagang liyamado ang Blue Eagles laban sa nagkukumahog na Tigers.

Sasandigan ni UST coach Boy Zablan para sa target na unang tagumpay sina Marvin Lee, Reggie Basibas, Jordan Sta.Ana at Steve Akomo.

Sa unang laban, mag -uunahang makapagtala ng una nilang back -to-back win ang Far Eastern University at ang National University sa kanilang pagtutuos ganap na 2:00 ng hapon.

Maghihiwalay ng landas ang Tamaraws at ang Bulldogs na kasalukuyang magkatabla sa third spot taglay ang patas na markang 2-2, kasama ng Adamson Falcons.