BANDERANG tapos ang ginawa ng defending champion National University nang talunin ang Adamson University, 82-38, upang manatiling walang talo habang iginupo naman ng University of the East ang Ateneo, 62-51,para makasalo sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy kahapon ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Nagposte ang tubong Congo na si Rhena Itesi ng 18 puntos at 22 rebounds habang tumapos si Ria Nabalan na may 14 puntos, 12 rebounds, at tig-tatlong assists at steals upang pamunuan ang Lady Bulldogs sa malaking bentahe na umabot sa 53 puntos.

Dahil dito, nahatak din nila ang hawak na longest winning streak hanggang 52 laro.

Nanguna naman para sa Lady Warriors si Ruthlaine Tacula na umiskor ng 20 puntos, 5 assists at 4 steals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunga ng pagkatalo, bumaba ang UE sa ikalawang puwesto kapantay ng University of Santo Tomas sa may markang 2-1.

Nalaglag naman ang Lady Eagles sa patas na barahang 2-2 ,kapantay ng Far Eastern University sa pang-apat na puwesto kasunod ang Lady Falcons at De La Salle na may kartadang 1-3. - Marivic Awitan