NANAIG ang National University sa University of Santo Tomas, 4-1, para patatagin ang kampanya na maidepensa ang men’s division title, habang naungusan ng Ateneo ang De La Salle, 4-1, para manatiling imakulada sa UAAP Season 80 badminton tournament nitong Sabado sa Rizal Memorial badminton center.

Magkasosyo ang Bulldogs at Blue Eagles sa maagang liderato tangan ang 2-0 karta.

Naungusan naman ng University of the East ang Adamson University, 3-2, para sa unang panalo sa tatlong laro.

Naipanalo nina Keeyan Gabuelo, Christian Cuyno at Mike Minuluan ang singles match, habang tinuldukan ng NU ang panalo sa tagumpay nina Alvin Morada at Cuyno sa doubles play.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sumandal naman ang Ateneo sa hataw nina last season’s Rookie of the Year Keoni Asuncion, Carlo Remo at Clarence Filart.

Bagsak ang Green Archers sa 2-1 para sa ikatlong puwesto, habang tumabla ang Growling Tigers sa Red Warriors sa ikalimang puwesto tangan ang 1-2 slate.

Bagsak ang Falcons sa 0-3.

Sinimulan naman ng University of the Philippines ang kampanya para sa ikaapat na sunod na titulo sa women’s class nang gapiin ang La Salle, 3-2.

Nangunguna ang NU (2-0) nang bokyain ang UE, 5-0, habang nagwagi ang Adamson University sa UST.