MARAMING netizens from Laguna ang madalas mag-post sa social media na palagi nilang nakikitang magkasama sina Loisa Andallo at Hashtag member ng It’s Showtime na si Ronnie Alonte.

Tubong-Biñan, Laguna si Ronnie at sa Maynila naman naninirahan si Loisa.

Interesado ang netizens na malaman kung bakit napapadalas ang pagpunta ni Loisa sa Laguna. May relasyon na nga ba sila ni Ronnie?

Loisa Andallo
Loisa Andallo
Matagal nang nali-link ang dalawa, pero pareho nilang itinatanggi na magkasintahan sila.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Sa episode ng Magandang Buhay nitong nakaraang Miyerkules, umamin si Loisa na lumalabas sila ni Ronnie.

Nang tanungin ang young actress, na kasama sa main cast ng bagong seryeng The Good Son, kung bakit madalas siyang makita sa Laguna, sinabi lamang niyang lumalabas sila ‘pag may okasyon.

“Nakikita lang po kami ng mga tao kapag lumalabas kami ni Ronnie, pero ‘yung labas po namin ay kapag may okasyon po. Kapag wala kaming ginagawa, nagba-bike kami o nagbo-boxing kami, ganu’n po,” kuwento niya.

Sa The Good Son, sina Loisa at Joshua Garcia ang magkatambal. Malamang na pagbawalan na si Loisa ng Star Magic sa pakikipag-date kay Ronnie at baka makasira sa serye na ang tandem nila ni Joshua ang ibi-build-up. –Ador Saluta